Manila, Philippines – Dininig na ng House Committee on Revision of Laws ang House Bill 6028 o ang panukalang magbibigay ng karapatan sa mga kababaihan na gamitin ang kanilang ‘maiden name’.
Sa ilalim nito, maaring maghain ng petition for reversion of maiden name ang babaeng kasal o dating kinasal sa local civil registry office ng munisipyo.
Pero ayon sa ilang mambabatas, hindi na kailangan ng judicial decrees para rito, bagay na inalmahan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, maaring maapektuhan ang kanilang records.
Hinihintay na lamang ang position paper ng Department of Justice (DOJ), bago pagbotohan ang panukala.
Facebook Comments