
Ipinagtanggol ni Senate President Tito Sotto III ang pagtaas ng pondo para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program na inaprubahan ng bicameral conference committee.
Nasa P51 billion ang MAIFIP funds na ipinasa ng BICAM mula sa P49 billion na inaprubahan ng Kamara at sa P29 billion na inendorso ng Senado.
Iginiit ni Sotto na hindi pork barrel ang MAIFIP at kailangan talaga ang pondong ito.
Ang MAIFIP na isang medical assistance ay pinataasan para magamit sa mga pribadong ospital dahil hindi kayang tanggapin ng lahat ng mga government hospitals ang lahat ng indigent o mga mahihirap na pasyente.
Bukod dito, kailangang pataasan ang budget sa programa dahil mahal ang bayarin sa mga pribadong ospital.
Tiniyak naman ni Senator Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate panel sa bicam, na maglalatag sila ng mekanismo para hindi mapulitika ang MAIFIP at isa na nga rito ang pagbabawal sa mga politiko na makialam sa distribusyon ng tulong.










