Mail-in votes sa Nobyembre, tiniyak na walang magiging aberya

55

Tiniyak ng United State Postal Service na walang magiging aberya sa gagawing mail-in votes sa buwan ng Nobyembre.

Kasunod ito ng pangamba ng mga Democrats na magkaaberya ang bagong delivery policies.


Ayon kay Postmaster General Louis Dejoy, may kakayahan silang hawakan ang mail-in election kung saan magiging prayoridad ang mga postal votes.

Inaasahan na kasi na sa eleksyon sa Nobyembre ay maraming mga botante ang boboto sa pamamagitang ng postal dahil sa Coronavirus.

Facebook Comments