Main battle area, hindi pa ligtas kahit liberated na ang Marawi City

Marawi City – Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na delikado parin ang sitwasyon ng Main Battle area sa Marawi City.

Sa press Briefing sa Malacañang ay sinabi ni AFP Spokesman Major General Resituto Padilla, kahit idineklara nang liberated ang lungsod ay hindi parin maaaring ituring na ligtas ang lugar kung saan nangyari ang mainit na bakbakan.

Mayroon naman aniyang mga lugar sa lungsod na maaari nang balikan ng mga residente at mayroon ding mga lugar talagang hind pa maaaring balikan hanggang hindi naidedeklarang cleared ng AFP.


Paliwanag nj Padilla, mayroon pang 36 na stragglers ang tinutugis ng militar at posible paring makapanakit ang mga ito.

Nilinaw din naman ni Padilla na hindi na banta sa kabuoang seguridad sa lungsod ang mga strugglers dahil wala nang lider, wala nang direksyon at buhay nalang nila ang kanilang ipinaglalaban.

Sinabi ni Padilla na hindi dapat makatakas sa Marawi City ang mga ito at makagawa pa ng terrorist act sa ibang lugar.

Facebook Comments