Main gate ng MPD, nananatiling sarado dahil sa posibleng pagsugod ng militanteng grupo

Mula Lunes hanggang ngayong araw ay nananatiling sarado ang main gate ng Manila Police District o MPD.

Ito’y para mapigilan ang pagtatangka umano ng mga militanteng grupo na pumasok sa loob ng MPD headquarters para magsagawa ng kilos protesta.

Ang pagsasara ng main gate ay nagsimula nang arestuhin si Bayan Muna director Alma Moran sa  kanilang tanggapan sa Ermita, Maynila at ikinulong sa MPD detention cell.


Ilang beses na rin kasing sumugod sa headquarters ng Manila Police District ang mga miyembro ng militanteng grupo para kondenahin ang umano’y ilegal na pagdakip sa kanilang kasamahan.

Ayon kay Atty. Kristina Conti, illegal ang pagdakip kay Moran lalo na’t walang batayan ang sinasabing kaso ng illegal possession of firearms and explosive.

Giitt pa ng abogado ni Moran, ang pagkakaaresto ay bahagi ng crackdown ng pamahalaan laban sa mga progresibong grupo at kritiko ng gobyerno.

Banta pa ng ng mga militante na hindi sila magsasawang magsagawa ng kilos protesta sa harapan ng MPD heaquarters hangga’t hindi pinapalaya ang kanilang leader.

Facebook Comments