Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos sa Hunyo ang Sta. Monica-Lawton Bridge and Viaduct.
Ang nasabing tulay ay bahagi ng P4.012-billion na Bonifacio Global City-Ortigas Road Link Project.
Bahagi rin nito ang konstruksyon ng four-lane bridge patawid ng Ilog Pasig at Four-Lane Viaduct sa bahagi ng Lawton Avenue.
Sa datos mula sa website ng “Build, Build, Build”, nakasaad na 22.2% nang kumpleto ang proyekto noong February 9.
Target naman na mabuksan ang tulay sa unang kalahating taon ng 2021.
Facebook Comments