Maine Mendoza, dinepensahan ang boyfriend na si Arjo Atayde kaugnay sa COVID-19 incident sa Baguio

Dinepensahan ni Maine Mendoza ang boyfriend na si Arjo Atayde kaugnay sa nangyaring insidente ng paglabag sa COVID-19 protocols sa Baguio City.

Matatandaang binatikos ang aktor matapos itong umalis sa Baguio kahit na alam niyang positibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Maine, bagama’t hindi niya kinukunsinte ang boyfriend sa nangyaring insidente ay umapela naman siya na bigyan ng pagkakataon ang aktor na ipaliwanag ang kaniyang panig.


Matatandaan na una nang humingi ng paumanhin ang production company na kinabibilangan ni Arjo sa naturang isyu.

Facebook Comments