Maine Mendoza, itinanggi na siya ang babae sa ‘scandal video’ na kumakalat sa social media

Mariing pinasinungalingan ng aktres-TV host na si Maine Mendoza na siya ang babae sa kumalakalat na malicious video sa social media.

Sa kanyang Twitter account, iginiit ni Maine na maaaring kamukha lamang niya ito.

Ayon sa management ng aktres, digitally manipulated ang video gamit ang Deepfake technology para gawing kamukha nito si Maine.


Hindi rin sila magda-dalawang isip na kasuhan ang sinumang magpo-post, mag-share o magpakalat ng video.

Nagpasalamat din sila sa una nang nag-report ng video at nanawagan na patuloy na suportahan at magtiwala sa aktres.

Facebook Comments