Maine Mendoza, kinundena ang nagpakalat ng ‘fake hate tweets’ sa pagitan nila ni Vice Ganda

233

Binasag na ni Maine Mendoza ang tsismis tungkol sa kumakalat na ‘fake hate tweets’ laban kay Vice Ganda.

Kasunod nito ay kinukundena ni Maine ang maling impormasyong kumalat sa Twitter ng naging sagutan nila ni Vice Ganda tungkol sa kanilang mga pelikula na kapwa entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Say ni Maine sa kanyang twitter na @mainedcm tungkol sa gumawa at nagpakalat ng fake hate tweet “yikes! Paskong Pasko wala pa ding magawang matino yung ibang tao. This is edited, guys. Pero nood nalang din kayo Jack Em Popoy at Fantastica para happy tayong lahat.”

Agad ding nilinaw ng Dabarkads na si Maine sa kanilang noon time show na Eat Bulaga ang tungkol sa fake tweets laban sa katapat nilang ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda.

Matatandaang opening day pa lamang ng MMFF ay kumalat na sa twitter world ang pekeng screen shot ng tweet ni Maine na nagsasabing “nakakaloka yung Fantastica! The most nonsense movie of all time! #jackempopoyunangpanoorin.”

Mayroon ding screen shot ng tweet mula sa Showtime host na si Vice Ganda kung saan may peke din itong balik na sagot sa fake tweet ni Maine “thanks for watching. Haven’t seen your movie yet. Mukha kasing wala ring kwenta. #sorrynotsorry #fantasticanowshowing.”

Hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung sino ang nasa likod ng mga screen shots ng mga pekeng tweets ng dalawa laban sa isa’t isa.

Pero mukha namang in good terms at hindi apektado sina Maine at Vice Ganda matapos na makita ang dalawa sa iisang resto bar sa Taguig.

Facebook Comments

From Advertisers