Maine Mendoza, madalang nang mapapanood sa ‘Eat Bulaga’

via IG/@mainedcm

Magiging busy na raw sa shooting ng dalawang pelikula si Maine Mendoza kaya bihira munang makikita sa “Eat Bulaga.”

Isa sa paparating na pelikula ng aktres ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity” kasama si Vic Sotto.

Makakasabay naman nito ang shooting din ng “Isa Pa with Feelings” na pagtatambalan nila ni Carlo Aquino.


 

View this post on Instagram

 

Isa pa with feelings 🔜 @black_sheepph

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

“Magsasabay yung shooting niya so baka bihira niyo na ako makikita sa Eat Bulaga, mga Dabarkads. Pero ‘wag niyo sana ako makalimutan,” pahayag ni Maine sa panayam ng 24 Oras.

Nagkuwento rin ang Phenomenal Star sa familiarity workshop nila ng leading man na si Carlo Aquino.

“Ang kulit niya kasi, makulit din siyang lalaki. Parang same kami ng wavelength. Kumbaga yung mga jokes ko benta sa kaniya, yung mga jokes niya benta sa akin. So most of the time kapag nagwo-workshop kami tawa lang kami nang tawa,” aniya.

Facebook Comments