Maine Mendoza, muling nag-post ng photo kasama si Arjo Atayde

1163
PHOTOS by Instagram @arjoatayde / @mainedcm

Tila nagiging komportable na si Maine Mendoza sa pagbabahagi sa publiko ng relasyon nila ng nababalitang boyfriend na si Arjo Atayde.

Sa bihirang pagkakataon, muling nag-post sa Instagram ang “Eat Bulaga” host ng photo nila ng Kapamilya actor.


Idinaan ni Maine sa Instagram story ang larawan kung saan makikitang nasa likod niya at nakayakap sa kanya si Arjo.

Kuha ito sa isinagawang fundraising event ng aktres nitong Linggo, Hulyo 14, na sinuportahan ni Arjo.

Kasabay ng photo ay ang pasasalamat ni Maine sa lahat ng dumalo at bumili ng item sa event na tinawag niyang “Shop Bid Donate.”

Kasama rin nila sa photo ang iba pang organizers ng garage sale / fundraising project ni Maine.

Instagram: @mainedcm

Nangako naman si Maine na ang lahat ng nalikom na pondo mula sa event ay mapupunta sa mga nangangailangan.

Noong Pebrero pa nang unang beses na nag-post si Maine ng photo kasama si Arjo, nang sinuportahan siya nito sa kaniyang launching bilang endorser ng isang international cosmetics line.

Marso nang si Arjo naman ang nag-post ng hugging photo nila ni Maine kasabay ng pagbati para sa 24th birthday ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

My reason for being. Happy birthday to my main. ❤️

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

Marso rin nang kinumpirma ng aktres sa isang blog entry na exclusively dating sila ni Arjo.

Facebook Comments

From Advertisers