Pinaghandaan daw ng TV host-actress na si Maine Mendoza ang nalalapit na Parade of Stars na gaganapin bukas, araw ng Linggo para sa mga pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Ayon kay Maine, kahit na mahaba ang magiging ruta ng MMFF parade ay game na game siya umulan man o bumagyo.
Pero aniya – mas magiging masaya ang parada kung hindi uulan dahil hindi masisira ang mga float ng bawat isa.
Magsisimula ang ruta ng parada sa bahagi ng Lakeshore C-6 patungong ML Quezon Avenue, MRT Avenue, Mckinley Parkway, 32nd Street, 7th Avenue, 26th Avenue, 5th Avenue, Legrand Avenue, Chateau Road at magtatapos sa Mckinley West Open Ground kung saan magkakaroon ng kaunting pagtatanghal ang mga artista.
Facebook Comments