Maine Mendoza, tutulong sa mga empleyadong apektado ng ECQ

Sa kabila ng mga krisis na nangyayari ngayon dahil sa banta ng COVID-19 ay ilang celebrities ang nagpapamalas ng kanilang kabutihan ngayon.

Ito ay dahil pa rin sa kasalukuyang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa luzon kung kaya at inilunsad ni Maine Mendoza ang isang donation drive para sa mga apektado ng lockdown.

Ayon kay Maine, sa mga empleyado ay maaari sila na mag-email sa kanya ng kanilang proof of employment kagaya kanilang company ID at phone number upang maipadala niya ang tulong pinansiyal.


Dagdag pa niya, sisikapin daw niya na ma-accommodate lahat at siya mismo ang mag aasikaso dito.

Samantala, nanawagan naman si Maine sa mga fans na tumulong din sa pamamagitan ng kanilang kanya-kanyang paraan.

Facebook Comments