MAINGAT NA PAGKAIN NGAYONG PANAHON NG PASKO, IPINAALALA NG DOH

Cauayan City – Ngayong panahon ng kapaskuhan, samu’t-saring mga pagkain ang bida sa hapagkainan kaya naman nagbigay paalala ang Department of Health sa publiko.

Ayon kay Assistant Secretary Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, ang sobrang pagkain ng pagkain matatamis, maalat, at mamantika ay maaaring magdulot ng mataas na presyon ng dugo, diabetes, at obesity na maaaring magresulta sa mas malalang komplikasyon.

Paalala ng kagawaran sa publiko na kontrolin ang pagkain gamit ang ‘Pinggang Pinoy,’ isang food guide na makatutulong sa balanseng diyeta at pagpapanatili ng malusog na katawan, lalo na sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.


Sa pamamagitan ng pagsunod sa food guide, makatutulong ito upang maiwasan ang food poisoning na karaniwang nangyayari dahil sa hindi tamang preparasyon o kontaminadong pagkain.

Facebook Comments