Manila, Philippines – Todo-higpit ang ipinatupad ng guwardya ng UP-Manila kasunod na pagkakapaslang kay Josephine Santiago Lapira, estudyante ng UP Manila na napatay sa engkwentro ng mga pulis at sundalo sa Nasugbu, Batangas.
Si Josephine Santiago Lapira, 22-anyos ay mula sa Marikina City kung saan ayon sa mga pulis at militar ang tunay na pangalan nito ay si Ella Rodriguez na kanyang alyas.
Una rito kinumpirma ni Batangas Provincial Director Police Sr. Supt. Alden Delvo, na kinumpirma umano ng kamag-anak ni Lapira na nag-aaral ito sa UP Manila.
Agad na nagsagawa ang DZXL 558 ng follow-up sa UP Manila upang kumpirmahin kung dito nga nag-aaral si Lapira subalit napakahigpit ang guwardya ng naturang unibersidad dahil kinakailangan pa umano gumawa ng sulat kung kinakailangan kumuha ng impormasyon sa Registrar Office ng UP Manila.