Mararanasan muli ang mainit at maalinsangang panahon sa ilang bahagi ng bansa.
Ito ay bunsod ng monsoon break o hindi umiiral sa bansa ang southwest monsoon o hanging habagat.
Ayon sa DOST-PAGASA, posibleng magtagal ang ganitong panahon hanggang sa susunod na linggo.
Magiging mainit sa Tuguegarao at Isabela na may higit 40°C na heat index o damang init.
Sa Metro Manila, Cabanatuan at Laoag ay makakaranas din ng halos 40°C na heat index.
Sa kabila ng mainit na panahon, magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan sa hapon o gabi.
Sa Visayas at Mindanao, hindi masyado mainit ang panahon dahil sa mga aktibong thunderstorms.
Sunrise: 5:33 ng umaga
Sunset: 6:29 ng gabi
Facebook Comments