Mainit na Pagbubukas ng CAVRAA 2018, Idinaos!

Tuguegarao City- Mainit na pagtanggap ang pabungad ni Mayor Jefferson Soriano sa mga delegado mula sa iba’t ibang probinsya sa pagbubukas ng CAVRAA kanina Pebrero 23, 2018.

Masayang binati ni mayor Soriano ang mga alkalde, manlalaro at representante ng bawat pangkat kanina sa kanyang talumpati.

Ipinagmalaki din ng alkalde ang pinaghandaang afi festival na iprinisinta ng 3000 mag-aaral ng Cagayan National High School bilang bahagi ng malugod na pagtanggap sa mga delegado.


Ito ay upang ipakita sa mga panauhin ang kultura at tradisyon ng Tuguegaraoueños sa pamamagitan ng pagsasayaw gamit ang apoy.

Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan Newsteam, pinangunahan ni Mayor Soriano ang pagsindi ng friendship torch kasama ang ibang liderato sa bawat lalawigan bilang simbulo ng Sportsmanship.

Inaasahan naman na sa mga susunod pang araw ng patimpalak ay maidaraos ito ng ligtas, masaya at may katapatan na siya namang pangunahing diwa ng CAVRAA 2018.


Facebook Comments