Mainit na panahon, asahan na sa ilang parte ng bansa ngayong weekend – PAGASA

Asahan na ang mainit na panahon sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Silangan.

 

Ito ay matapos makapagtala kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng 46 degrees Celsius na heart index alas dos ng hapon kahapon sa San Jose, Occidental Mindoro.

 

Ngayon weekend ay asahan ang mataas na heat index sa mga sumusunod na lugar:


 

Dagupan City – 40 to 42 degress Celsius

Tuguegarao City – 41 degrees Celsius

Cotabato City – 41 degrees Celsius

Catbalogan, Samar – 39 to 40 degrees Celsius

Borogran, Samar – 39 to 40 degrees Celsius

Tagbilaran, Bohol – 39 to 40 degrees Celsius

 

Habang sa Metro Manila ay asahan ang 36 degrees Celsius na heat index.

 

Ang heat index ay yung init na nararamdaman ng tao mula sa pinaghalong temperatura at humidity o kundisyon ng hangin.

Facebook Comments