Manila, Philippines – Binalaan ng pamunuan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag ingat ngayon tumitindi ang init na nararanasan sa bansa.
Ayon kay DOH Spokesperson Lyndon Lee Suy, dapat ugaliin ng mga Pilipino na uminum ng maraming tubig, magdala ng pananggalan sa matinding init ng panahon, maligo, magsuot ng maninipis na damit at kumain ng makakatas na prutas upang maiwasan ang dehydration at heat stroke.
Paliwanag ni Dr. Lee Suy marami ang naglalabasang mga sakit kapag mainit ang panahon, nariyan ang pigsa, bungang araw, sunburn, fungal infection at food poisoning dahil maraming pagkain ang napapanis dahil sa init ng panahon.
Giit ng opisyal huwag kumain sa mga ambulant vendor dahil hindi tiyak kung malinis ang tinitindang pagkain lalo at mainit ang panahon kaya posibleng madaling masira ang mga nilulutong ulam.