Mainit na political rivalries na posibleng mauwi sa karahasan, mas babantayan ng PNP

Nagbigay na ng utos si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng PNP unit commanders na tutukan ang mga mainit na magkalaban sa politika sa kanilang area of responsibility para hindi ito mauwi sa karahasan.

Ito ay sa harap na rin ng pagtatapos ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay PNP chief, inutos niya na ang pagsasagawa ng election security plan sa mga respective area of responsibility ng bawat PNP unit commander.


Samantala, inutos na rin ni PNP chief sa PNP Intelligence Group na simulan na ang monitoring and background check sa lahat ng kandidato upang matukoy ang mga lugar na may history ng election violence nang sa ganun ay matiyak na magiging tapat at payapa ang gagawing 2022 national at local election.

Facebook Comments