MAINTENANCE | Ilang lugar sa Quezon City, Parañaque at Pasay, makararanas ng water interruption

Manila, Philippines – Makakaranas na naman ng water interruption sa ilang
bahagi ng Quezon City, Parañaque at Pasay simula mamayang gabi dahil sa
isasagawang maintenance activity ng Maynilad.

Sa Parañaque, apektado ng walong oras na water interruption ang Don Galo at
Sto. Niño mula alas 10:00 mamayang gabi hanggang alas 6:00 ng umaga bukas.

Alas 11:00 ng gabi naman mawawalan ng tubig sa barangay 185 na tatagal
hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas.


Sa Quezon City, alas 10:00 mamayang gabi hanggang alas 4:00 ng madaling
araw mawawalan ng tubig sa Barangay Sto. Domingo at Barangay Talayan.

Habang sa Pasay, kabilang sa maaapektuhan ng water interruption ang
barangay 169 hanggang barangay 197 sa Malibay area mula mamayang alas 11:00
ng gabi hanggang alas 4:00 bukas ng madaling araw.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments