MAINTENANCE NG EARLY WARNING STATIONS SA PANGASINAN, ISINAGAWA

Magkakasunod na isinagawa ng National Power Corporation katuwang ang ilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ang preventive maintenance sa mga early warning stations sa lalawigan.
Unang isinagawa ang aktibidad sa bayan ng Bautista, at nakatakda namang sumunod ang pagpapatunog ng sirena sa Bayambang at San Nicolas.
Layunin na paghandaan ang posibleng dam discharge na dadaan sa mga naturang bayan ngayong paparating na panahon ng tag-ulan upang mabigyang babala ang mga maaapektuhang residente.
Patutunugin ang malakas na sirena na maaaring marinig ng aabot sa libong kilometro na distansya bilang komunikasyon sa posibleng sakuna.
Anunsyo ng tanggapan sa publiko na huwag mag-panic kapag narinig ang sirena dahil ito ay preventive maintenance lamang upang mapangalagaan ang aparato na kaagapay sa pagtitiyak ng seguridad ng mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments