MAINTENANCE OF DRUG DEN | Nicanor Jr., kinasuhan na

Kinasuhan na ang anak ni Bureau of Correction Director Nicanor Faeldon at tatlong iba pa na nahuli sa drug raid sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon kay Police Regional Office 5 Director Arnel Escobal, paglabag sa Section 6 ng Republic Act 9165 o Maintenance of Drug Den ang isinampa kay Nicanor Faeldon Jr.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 11, 12 at 15 ng R.A 9165 si Russel Lanuzo habang paglabag sa section 11 at 15 ang isinampa kina Allan Valdez at Manuel Niebres.


Facebook Comments