Maintenance operations ng mga tren, gustong saluhin ng orihinal na private contractor ng MRT 3

Manila, Philippines – Nais saluhin ng orihinal na private contractor ng MRT 3 ang maintenance operations nito.

Ayon kay Metro Rail Transit Corporation (MRTC) President Engr. Fredirick Parayno, sinulatan na nila ang Department of Transportation (DOTr) para ipabatid ang intensyon nilang kunin ang maintenance responsibility sa MRT 3 pero wala pang tugon ang DOTr.

Aniya, tiyak niyang magkakaroon ng drastic improvement ang MRT kung ibabalik ang dating maintenance provider nito na Sumitomo.


Pero giit ng Busan Universal Rail Incorporated External Counsel Atty. Maricris Pahate, ang maintenance provider ng MRT na inalis ng gobyerno, matagal ng may problema ang MRT.

Sa ngayon ang pansalantalang solusyon ng gobyerno bawasan ang bilang ng mga tumatakbong tren at bawasan ang oras ng biyahe at magdagdag ng marshal.

Facebook Comments