Maintenance provider ng Metro Rail Transit line 3, pananagutin ng Transportation Department

Manila, Philippines – Pananagutinng Department of Transportation (DOTR) ang Busan Universal Rail Incorporated samga aberya na nararanasan ngayon ng MRT3.
 
Kasunod ito ngpaghuhugas kamay ng Busan-Maintenance Provider ng MRT3 sa magkasunod natechnical problem ng mga tren kahit kagagaling lang nito sa apat na arawmaintenance work.
 
Ayon kay TransportationUndersecretary Cesar Chavez – malaki ang pananagutan ng busan sa kasalukuyangestado ng mga tren ng MRT3.
 
Aminado si Chavez nanoong pa ay hindi na maganda ang estado ng MRT3 gayunman malinaw na hindi rinito naging maayos sa ilalim ng pangangalaga ng Busan.
 
Iginiit ni Chavez nahindi sila kuntento sa trabaho ng Busan dahil mula noong Enero 2016 hanggangngayon ay pitong porsyento pa lamang ng 48 bagon ng MRT3 ang naisasailalim sageneral overhaul.
 
Una nang inutusan ng DOTRang Busan na ipaliwanag kung bakit hindi nito dapat na kanselahin ang P3.81billion contract nito sa MRT3.
 
 
 

Facebook Comments