Maintenance provider ng MRT-3, inatasan ng DOTr na agad ayusin ang signaling system kasunod nang nangyaring aberya kahapon

Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang maintenance provider ng Metro Rail Transit o MRT-3 na Sumitomo Corporation, na tiyaking maayos agad ang problema sa signaling system ng tren para makaiwas sa mga aberya.

Ayon kay Transportation Sec. Dizon, hindi na dapat maulit ang nangyaring problema kahapon, kung saan naantala ang biyahe ng ilang pasahero ng MRT-3.

Matatandaang, nagkaproblema sa signaling system ang tren bandang alas-nuwebe ng umaga kahapon, pero naayos din sa loob ng mahigit isang oras.

Una nang, iniutos ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr., na siguruhin ang maayos na operasyon ng tren para tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pasahero at maiwasan ang paghaba ng pila sa mga istasyon.

Facebook Comments