Manila, Philippines – Hinikayat ng Public Commuters Motorists Alliance ang Metro Rail Transit Authority para kanselahin na ang kasunduan nito sa maintenance provider ng MRT.
Ayon kay Public Commuters Motorists Alliance National President Jessie Santos, na panahon nang ikonsidera ng Duterte Administration ang kanilang mungkahi na palitan na ng MRTA ang kanilang maintenance provider.
Giit ni Santos na nitong nakaraang linggo lamang ay makailang beses na nagkaroon ng aberya ang MRT dahilan para maging provisional lamang ang operasyon nito.
Noong Lunes ng umaga ay mahigit 30-minuto ring nagka-aberya ang MRT dahil sa sinasabing track failure pero naibalik din ang normal na operasyon nito bago mag-alas siete ng umaga.
Dahil dito ay inatasan na ng Department of Transportation ang maintenance contractor na Busan Universal Rails Incorporated na ipaliwanag sa loob ng isang linggo kung bakit hindi pa dapat i-terminate ang kanilang kontrata sa kabila ng kaliwat kanan na mga aberyang naranasan sa operasyon ng MRT.
Nagpaliwanag na ang Busan Universal Rails Inc. kung bakit nagkaroon ng madalas na aberya ng tren.
DZXL558