Maipasa ang BBL nagkakaisang panawagan ng Bangsamoro

Nagkakaisang ipinanawagan ngayon ng mga Bangsamoro ang matagal na nilang ipinaglalaban ang maipasa at ang agarang pag aproba sa Bangsamoro Basic Law o BBL. Ito ang seryosong ipinanawagan ng mga Bangsamoro na dumalo sa Bangsamoro General Assembly na ginanap sa Crossing Simuay sa bayan Sultan Kudarat Maguindanao.
Ang malakihang pagtitipon na ito na piangangasiwaan ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) , Bangsamoro Transition Commission (BTC) at ang suportang ipinamalas ng mahigit 1 milyong delegado ay nagpapahiwatig na seryoso ang mga Bangsamro sa kanilang adhikain na makamtan na ang hinahangad na tunay na kapayapaan at kaunlaran . Ang pagdalo ng malalaking lider mula sa ibat ibang panig ng Mindanao at ARMM ay simbolo ng pagkakaisa ng mga ito para sa nagkakaisang minimithi para sa tagumpay ng mga Bangsamoro.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments