Paborito mo rin ba ang mais? Maaaring ito’y nilaga, inihaw, o ginagawang pansahog sa iba’t ibang ulam. Hindi maikakaila na ang mais ay isang masustansyang pagkain na kayang punan ang ating gutom. Taglay nito ang mga bitamina na mahalaga sa ating kalusugan.
Sa isinagawang cookfest sa Bayan ng Asingan, ang mais ang naging tampok na sangkap.
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa pagluluto sa pamamagitan ng mga kakaiba at nakakatakam na putaheng gawa sa mais tulad ng burger patty, ginataang mais na may malunggay, kalamay na mais, corn soup, mais milk juice, at marami pang iba.
Bukod sa ito’y pagkain ng tao, ginagamit din ang mais bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng pagkain ng hayop kaya ganun na lamang ang laki ng maitutulong sa kabuhayan ng mga mamamayan ng Asingan bilang isa sa mga pangunahing produkto.
Sa panahon ng kakulangan ng suplay o pagtaas ng presyo ng bigas, ang mais ay nagsisilbing isang alternatibong pagkain. Nakasanayan na ito noon pa man at patuloy na kinikilala ngayon, lalo na ng mga taong nagnanais magbawas ng timbang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









