Maitatalang bagong kaso ng COVID-19, posibleng umabot na lamang sa 5,000 hanggang 6,000 – OCTA

Posibleng bumaba na sa 5,000 hanggang 6,000 ang bilang ng COVID-19 cases na maitatala kada araw sa katapusan ng Oktubre.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tuloy-tuloy na ang pagbuti ng datos sa COVID-19 sa mga nakalipas na araw na hindi na umaabot sa 10,000.

Nasa 0.64 na rin ang reproduction number sa buong bansa at 8,400 ang 7-day average cases.


Bumababa na rin aniya ang hospital utilization rate kung saan batay sa datos ng Department of Health (DOH) ay nasa 47 porsiyento na lang ito sa Metro Manila.

Sa kabila nito, mataas pa rin ang intensive care unit (ICU) utilization rate.

Facebook Comments