Inaasahang tataas pa ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng Setyembre.
Ito ay matapos makapagtala kahapon ng record-high na 22,366 bagong nahawa sa virus na siyang pinakamataas simula ang pandemya.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, nakikita nilang aabot pa sa mataas na lebel ang mga bagong kaso.
Ito ay sa kabila ng muling paghihigpit ng restriksyon sa Metro Manila at iba pang kalapit na lugar.
Sa tanong naman kung ano ang naging kulang sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya, nilinaw ni Herbosa na walang mali dahil lubhang nakakahawa lamang ang mga bagong variant ng virus na kumalat sa bansa.
Sa ngayon, naglabas na ng projection ang UP COVID-19 Pandemic Response Team kung saan posibleng pumalo sa 22,335 hanggang 33,503 ang maitalang kaso pagsapit ng September 15.
Habang pagdating naman ng September 30, posibleng tumaas pa ang bagong kaso ng COVID-19 sa 24,476 hanggang 36,714.