Maitatalang bagong kaso sa NCR, mananatili sa hanggang 3,000 – OCTA

Posibleng manatili sa hanggang 3,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa National Capital Region (NCR).

Pero paglilinaw ni OCTA Research Group Dr. Guido David, maaari pa itong magbago dahil hindi pa malinaw ang pagtaas ng kaso.

Nakadepende naman ang datos sa mabilis na pag-kontrol sa kaso dahil mahirap na kalaban ang Delta variant na mabilis na makahawa.


Batay sa huling ulat ng OCTA, bumaba sa 1.74 ang reproduction rate sa NCR mula sa 1.80 na R-naught.

Hindi naman masabi ni David kung magtutuloy tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 trend, na isa sa magiging batayan kung palalawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.

Facebook Comments