Maja Salvador, nagpaliwanag kung bakit itinago niya ang pagbubuntis ni Janella Salvador

834

Nagpaliwanag ang aktres na si Maja Salvador kung bakit niya itinago ang pagbubuntis ng pamangkin na si Janella Salvador sa nobyong si Markus Paterson.

Isa si Maja sa mga unang taong nakaaalam at nakasaksi sa buntis ni Janella na nagsimula noong February 2020.


Say ni Maja, hindi nila planong itago ang pagbubuntis noon ng pamangkin, kundi gusto lang nila Janella at Markus ng privacy at i-cherish ang bawat special moment ng kanilang buhay.

Wala rin aniyang idineny dahil naghahanap lang ng tamang timing ang magkasintahan para ipaalam ito sa publiko.

Sinabi ni Maja na naintindihan niya ang dalawa kaya irespeto niya ito at sinuportahan sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Nabatid na nitong January 5, 2020, isinapubliko na nina Janella at Markus ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak kung saan ipinakilala si Baby Jude.




Facebook Comments