MAJOR CLEARING OPERATION | PNP-SAF, itinalaga na rin sa medium security compound ng New Bilibid Prisons

Manila, Philippines – Itinalaga na rin para magbantay ang PNP Special Action Force (PNP-SAF) sa medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay matapos matanggap ang mga ulat na lumipat na rin doon ang illegal drug transactions.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, nagsagawa na ng major clearing operation sa nasabing compound nitong Huwebes.


Ang tawag sa naturang operasyon ay ‘oplan lightning strike 2’ kung saan kabilang sa mga narekober ay 54 na sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet ng marijuana, drug paraphernalia, higit 80,000 pesos cash, electronic gadgets, appliances, mga patalim at iba pang kontrabando.

Facebook Comments