Pupulungin ngayong araw ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pambansang Pulisya ng Pilipinas para sa isang Major Command Conference.
Ito ay upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon ng seguridad ng bansa habang nasa tatlong araw na state visit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa Department of Education (DepEd), alas-12 ng tanghali mamaya isasagawa ang command conference sa Bulwagan ng Karunungan ng Department of Education sa Pasig City.
Si VP Inday Sara ay itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., na officer-in-charge ng bansa habang nasa biyahe ang presidente.
Kabilang sa mga ipapatawag ni VP Inday Sara ay ang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), chief ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army chief, Philippine Navy chief, Philippine Air Force chief at iba pang opisyal ng security sector ng bansa.