Major Harry Baliaga, abswelto sa kaso ng pagdukot sa aktibistang si Jonas Burgos

Manila, Philippines – Pinawalang sala ng Quezon City RTC branch 216 si major Harry baliaga kaugnay ng kaso ng pagdukot sa aktibistang si Jonas Burgos.

sa ipinalabas na desisyon ni presiding judge Alfonso Ruiz II, ipinaliwanag nito na nabigo ang prosekusyon na mapatunayan beyond reasonable doubt na si Baliaga ang dumukot kay Burgos.

Nasa prosecution aniya ng burden of proof ,pero wala silang naiprisintang testigo at hearsay lamang ang nailahad sa korte dahil walang personal knowledge at circumstantial evidence ang panig ng tagausig para patunayan ang alegasyon laban kay Baliaga.


Matapos ang pagbaba ng hatol ay lumapit pa sa pamilya Burgos si Baliaga para i-console si inang Elenita Burgos.

Ayona kay Elenita Burgos,Ikinalungkot nila ang acquital ni Baliga pero nirerespeto nila ang deisyon ng korte.
Pakiusap na lamang nila kay Baliga na tulungan sila na hanapin si Burgos na hanggang ngayonay hindi pa rin inilulutang.

Facebook Comments