MAJOR ROADWORKS SA LA UNION, MUNGKAHING SUSPENDIHIN PARA IWAS TRAFFIC MULA DEC 22 HANGGANG JAN 4

Ipinanukala ng isang mambabatas sa La Union ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng mga proyektong pagkukumpuni sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan ngayong holiday season.

Ito ay matapos umanong personal na maranasan ng mambabatas ang mabigat na daloy ng trapiko sa Bauang-Naguilian Road dahil sa kakulangan ng early warning devices at signages sa naturang proyekto.

Dahil dito, iminungkahi na makakatulong ang pansamantalang tigil trabaho sa mga kakalsadahan lalo ngayong inaasahan ang pagdoble sa volume ng mga babiyaheng sasakyan dahil sa mga magsisiuwing mag-anak.

Planong makipag-ugnayan ng Sangguniang Panlalawigan sa Department of Public Works and Highways Region 1 sa panukala na target ipatupad simula December 22,2025 hanggang January 4,2026. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments