Majority leader Fariñas, nagpatawag ng pulong para sa pag-convene ng mababang kapulungan tungkol sa martial law

Manila, Philippines – Nagpatawag ng closed door meeting si House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas para pagusapan ang pagconvene ng Mababang Kapulungan upang talakayin ang report sa deklarasyon ng martial law na isinumite ni Pangulong Duterte.

Tumayo si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at ipinilit ang pagconvene ng Kamara para sa martial law.

Aniya, huwag itratong parang karaniwang report ang martial law sa Mindanao dahil sa ilalim ng konstitusyon ay malinaw na nakasaad na dapat magconvene ang dalawang kapulungan matapos na maibigay ang martial law report.


Pero agad namang sinagot ni Fariñas na nasa Committee on Rules na ang report sa martial law at anumang panukala o report na pending sa committee on rules ay hindi pwedeng talakayin sa plenaryo.

Naunang nilinaw ng liderato ng kamara na kailangan lamang ang joint session kung ibabasura o palalawigin pa ang 60 days na pagpapairal ng batas militar.

Sa ibang balita, sisikapin naman ng liderato ng Kamara na maipasa ngayong araw ang tax reform package ng Duterte administration.
DZXL558

Facebook Comments