Majority Leader Martin Romualdez, positibo sa COVID-19

Kinumpirma mismo ni House Majority Leader Martin Romualdez na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Romualdez, muli siyang sasailalim para sa ikalawang RT-PCR test ngayong araw para matiyak kung hindi false positive ang naunang resulta.

Naka-isolate na rin siya at kasalukuyang nakamonitor ang mga doktor sa kanyang kondisyon.


Inamin din ng Majority Leader na mayroon siyang sintomas ng COVID-19.

Hinimok ni Romualdez ang lahat nang nakasalamuha na magpa-swab test na rin.

Facebook Comments