Majority Leader Martin Romualdez, suportado si Pangulong Duterte sakaling tumakbong VP sa 2022

Suportado ni Majority Leader Martin Romualdez kung tatakbo mang bise presidente sa 2022 national elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Romualdez na kwalipikado at kaya pang tumakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente lalo pa’t sa nakalipas na limang taong pamamahala nito ay nananatiling popular ang pangulo.

Sang-ayon din ang Leyte representative kay Pangulong Duterte na kailangang maipagpatuloy ang kanyang good platforms sa pamahalaan kabilang dito ang paglaban sa korapsyon, ilegal na droga at krimen.


Kaya naman, kumpiyansa ang kongresista na si Presidente Duterte ang may pinakamalakas na potensyal para tumakbong vice president sa halalan ng susunod na taon.

Samantala, bagama’t bukas sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon si Romualdez, hindi naman aniya magandang desisyon ang kalabanin o tapatan ang Pangulong Duterte.

Facebook Comments