Majority posts sa Kamara, ipinangako ni Rep. Velasco

Manila, Philippines – Nangako si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na bibigyan ang Party-list Coalition ng majority leadership sa Kamara kung lahat ng 54 na miyembro nito ay iboboto siya bilang house speaker.

Ito ang ibinunyag ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin kasabay ng umiinit na karera sa house speakership.

Ayon kay Garbin – ipinangako ito ni Velasco kay 1-Pacman Party-list Representative Michael Romero, ang presidente ng Party-list bloc.


Aniya, ibibigay ni Velasco sa kanila ang 20% ng chairmanship at vice chairmanship ng house committees, na equal sa bilang ng pwestong nakalaan para sa kanila na nakamandato sa saligang batas.

Pero tingin ni Garbin, mapapako lamang ang pangako ni Velasco.

Una nang sinabi ng Party-list Coalition na iboboto nila ang kandidatong makakapagtiyak sa kanila ng patas na pagtrato at representation sa leadership positions sa Kamara.

Facebook Comments