Nakatulong sa pagpapataas ng ani ng mga magsasaka ang ilang makabagong pamamaraan tulad ng alternate wetting and drying.
Ang alternate wetting and drying ay isang teknolohiya sa irigasyon na ginagamit sa pagsasaka ng palay upang makatipid ng tubig ng hanggang 30-50%.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naturang technique ay nagbigay na aniya ng napakagandang resulta sa ibat- ibang bahagi ng bansa.
Nasa 12 hanggang 14 na tonelada kada ektarya aniya ang naaani sa pamamagitan ng wet and dry technique.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na dadalhin at ituturo sa mga magsasaka sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nasabing pamamaraan kasabay ng pagpapalakas sa programang patubig.
Facebook Comments