MAKABAGONG PARAAN NG PAGSASAKA, TAMPOK SA ECO FARM PROJECT SA ALAMINOS

Inilunsad sa Alaminos City ang Isda, Gulay, Manok, Itlog (IGMI) Eco Farm Project at MVC Techno Demo Farm, na nagtatampok ng makabagong farming techniques para sa mga lokal na magsasaka.

Layunin ng proyekto, na katuwang ng lokal na pamahalaan at Peace Corps, na itaguyod ang sustainable at innovative agricultural practices at bigyan ng kaalaman at kagamitan ang mga lokal na magsasaka upang mapataas ang kanilang ani.

Nagbibigay ang IGMI Eco Farm ng paraan para sa eco-friendly na pagsasaka, makabagong teknolohiya, at climate-resilient strategies na makakatulong sa food security at pagpapanatili ng kalikasan.

Itinampok sa seremonya ang hangarin ng LGU sa pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments