MAKABAGONG SISTEMA NG MARINE TOURISM SA ALAMINOS CITY, INAASAHANG MAGPAPAUNLAD SA SEKTOR

Mas pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang pamamahala at pagpapatupad ng makabagong Sistema ng Marine Tourism sa lungsod.

Kamakailan, pormal nang nakipagkasundo ang lokal na pamahalaan sa Department of Science and Technology (DOST) at isang pampublikong unibersidad.

Saklaw ng pagtutulungan ang paggamit ng isang sistema para sa pamamahala ng Hundred Islands National Park at isang integrated Internet of Things (IoT)-based system para sa pagsubaybay at pamamahala ng mga bangka upang mapabuti ang kaligtasan, kahusayan, at paggawa ng mga polisiya para sa turismo sa dagat.

Ang kolaborasyong naganap ay naglalayong gamitin ang teknolohiya upang mas mapabuti at mapanatili ang pag-unlad ng industriya ng marine tourism sa Alaminos City.

Ang Alaminos City na dinarayo sa Western Pangasinan dahil sa pamosong Hundred Islands National Park. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments