Gagamit ng modernong teknolohiya sa Opening Ceremony ng 30th Southeast Asian Games bukas, Nov. 30.
Sa Philippine Arena gaganapin ang seremonya.
Ayon kay Philippine Sea Games Organizing Committee Chairperson, House Speaker Alan Peter Cayetano, maihahalintulad ang opening sa mga nagdaang Olympics.
Nakatuon ang opening sa kultura at tradisyon ng bansa.
All-Filipino rin ang line-up ng mga performers.
Ito rin ang unang pagkakataon na sa indoor arena gaganapin ang Opening Ceremony na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Higit 20,000 ang inaashaang manonood at lalahok sa seremonya kabilang na ang mga atleta at delegado mula sa 11 bansang kalahok.
Inaasahang darating din ang ilang World Leaders at Royalties.
Mahigpit na seguridad ang inilatag ng PNP sa loob at labas ng arena.