Makabagong teknolohiya, pinagagamit ng isang senador bilang solusyon sa traffic

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na gamitin ang makabagong teknolohiya para solusyunan ang matinding traffic sa bansa.

Naniniwala si Tolentino na maraming solusyon para sa traffic at isa na nga rito ang paggamit ng advanced technology.

Sinabi ng senador na ang traffic ay resulta ng pagtaas ng populasyon at mabilis na urbanisasyon o sa madaling salita resulta ng pagunlad ng isang lugar.


Inihalimbawa ng senador ang bagong traffic signalization system sa GMA, Cavite na isang smart technology mula Korea na may sensor cameras na kayang magpakita ng real-time traffic conditions.

Nagkaroon din ng parehong proyekto ang Naga City, Camarines Sur at Dumaguete City, Negros Island Region noong Pebrero.

Facebook Comments