Makabayan Bloc, front organizations ng CPP-NPA ayon kay Pangulong Duterte

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Makabayan Bloc kabilang ang Bayan Muna, Gabriela at iba pang grupo bilang legal fronts ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ Address, sinabi ni Pangulong Duterte na sangkot ang mga grupong ito sa malawakang sabwatan para pabagsakin ang gobyerno.

Pero nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi niya nire-‘red tag’ ang grupo pero itinuturing ang mga ito bilang front organizations ng CPP at New People’s Army (CPP-NPA).


Sinabi rin ni Pangulong Duterte na hindi na nakikipaglaban ang mga komunista para sa kanilang ideyolohiya.

Minaliit din ng Pangulo si CPP Founding Chairperson Jose Maria Sison na kasalukuyang ‘in exile’ sa the Netherlands.

Aniya, handa siyang makipagdebate sa kanyang dating college professor.

Binanatan din ni Pangulong Duterte si Bayan Muna party-list representative Carlos Isagani Zarate kung saan inihalintulad niya ang mambabatas sa dumi ng aso.

Matatandaang itinanggi ng Makabayan lawmakers na miyembro sila ng CPP-NPA at nagsasagawa ng recruitment para sa armadong pakikibaka.

Facebook Comments