Makabayan bloc, inungkat ang Writ of Kalayaan for Prisoners sa pagdinig sa 2022 budget ng Hudikatura

Siningil ng Makabayan bloc ang Supreme Court sa pangako nito na palalakasin ang Writ of Kalayaan for Prisoners.

Ayon kay Bayan Muna partylist representative Isagani Zarate, layon sana ng pinalakas na writ na solusyunan ang problema nila sa mga kuwestyonableng search warrant (sw).

Aniya, tuwing hihilingin ng kanilang mga abogado na ipawalang bisa ang mga search warrant, tumatanggi umano ang hukom na i-subpoena ang records mula sa korte na naglabas ng sw.


Sumagot naman dito si Court Administrator Midas Marquez na nangakong sasabihan niya si Justice Marvic Leonen na magsumite ng draft report sa mga ni-revive ng komite na siyang nag-aaral para sa Writ of Kalayaan for Prisoners.

Asahan aniya na maglalabas ang SC ng guidelines ukol dito.

Para sa 2022 budget, P44.98 billion ang proposed budget ng judiciary na mas mababa ito sa hinihingi nitong 67-billion.

Facebook Comments