
Naghain ng mosyon sa Korte Suprema para umapelang baliktarin ang desisyon kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa grupo, hindi nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Kamara nang ipadala ang articles of impeachment sa Senado noong February 5.
Naniniwala rin silang hindi nilabag ang one-year bar rule nang umusad ang ikaapat na impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Inihain ang consolidated motion for reconsideration at intervention ng mga miyembro ng Makabayan bloc at mga dating naging kongresista.
Ayon naman sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), nakasaad sa Saligang Batas na kasangkapan ng pananagutan o accountability ang impeachment trial at hindi dapat hadlangan ng mga dagdag na requirements na inilatag ng Kataas-taasang Hukuman.









