Makabayan Bloc, naghain ng resolusyon ngayong 20th Congress na nananawagang tutulan ang “interim release ni FPRRD mula sa The Hague, Netherlands

Naghain ng resolusyon ang Makabayan Bloc ngayong 20th Congress na nananawagan sa Kamara na tutulan ang “interim release” at pagpapauwi sa Pilipinas kay dating Pang. Rodrigo Duterte mula sa The Hague, Netherlands.

Sa House Resolution No. 9 iginiit nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party-list Rep. Renee Co na dapat magkaisa ang mga miyembro ng Kamara sa pagsuporta sa pananatili ni Duterte sa ICC detention facility, upang matiyak na makakamit ang hustisya para sa mga biktma ng giyera kontra droga.

Pinuna ng Makabayan solons ang patuloy na paninindigan ng pamilya Duterte at mga abogado ng dating presidente na siya ay na-kidnap at binihag ng korte.

Anila, ito ay hindi pangtanggap ng dating pangulo sa pagiging lehitimo ng legal na proseso laban sa kanya.

Una nang naghain ng Urgent Request for Interim Release ang legal defense team ni dating Pang. Duterte noong June 12.

Kabilang sa mga ibinigay na rason ay ang katandaan ng dating Presidente, at mayroon umanong “State Party” o bansang handang kupkupin si Duterte.

Facebook Comments